Pagtatayo ng casino sa CDO binatikos ng arsobispo

BINATIKOS ng isang arsobispo ang tangkang pagpapatayo ng casino ng ilang foreign investors sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Archbishop Antonio Ledesma, matagal na aniyang kinokontra ng simbahan ang anumang iligal na sugal dahil hindi ito nakabubuti sa komunidad at sa mga residente sa lalawigan.

Sinang-ayunan naman ni Archdiocesan Social Action Center director Fr. Nathaniel Lerio ang pahayag ni Ledesma.

Gayundin si Cagayan de Oro Mayor Vicente Emana ay suportado rin ang pagbabawal ng simbahan na magtayo ng gambling establishment sa lungsod.

Sinabi ni Mayor Emano na ang pagpapatayo ng casino ay plano ng foreign investors mula sa China, Israel at Malaysia.

“I told them to get first the approval of the Church. Unless they can convince the church then I am not allowing any casino to operate in the city,” ayon kay Emano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply