Pagtataya ng IMF pinalagan ni Carandang

NAGPAHAYAG ng matinding pagdududa ang Malakanyang sa naging pagtaya ng International Monetary Fund (IMF) na magiging kulelat ang ekonomiya ng Pilipinas mula ngayong taon hanggang 2013.

Ayon kay Communications Sec. Ricky Carandang, hintayin na lamang ng  IMF na malampasan ng ekonomiya ang kanilang target.

Sa pahayag ng IMF, lalago lamang sa 4.2 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa ngayong 2012 habang 4.7 percent lamang sa 2013.

Dagdag pa ni Carandang, naniniwala silang aabot ng lima hanggang six percent ang ilalago ng ating ekonomiya ngayong taon.

Subalit, sinabi ng opisyal na ang mahalaga ay anumang pag-unlad sa bansa ay dapat ramdam ng mas nakararami.

“I believe the IMF will be surprised when our GDP growth exceeds their targets. We’re looking at 5 to 6 percent growth,” ayon pa kay Sec. Carandang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply