Pagtugis kay Palparan tuloy-tuloy– M’cañang

TULOY-TULOY ang gagawing pagtugis ng mga awtoridad kay retired Maj. Gen. Jovito Palparan Jr. kahit may nagaganap na Balikatan exercises sa bansa.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na hindi excuse ang nasabing pagsasanay para huminto ang kapulisan sa pangunguna ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Nicanor Bartolome sa paghahanap kay Palparan na tinagurian na ngayong “Palos” bunsod ng “napakadulas” nitong pagtatago sa batas.

“There are difficulties, ‘yan ang realities natin, but it doesn’t mean the PNP will stop doing its job,” ayon kay USec.Valte.

Kasalukuyang tinutugis ng PNP si Palparan, dating Palawan Governor Joel Reyes at ang kapatid nito, Coron Mayor Mario Reyes Jr., at Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr.

Nadawit si Palparan sa pagkawala ng dalawang estudyanteng aktibista noong 2006. Dawit din siya sa summary execution ng mga aktibista sa mga lugar kung saan siya naunang itinalaga subalit agad naman niyang pinasinungalingan ang usaping ito.

Ang Reyes brothers ay nadawit naman sa pagpaslang sa isang environmentalist at broadcaster na si Gerry Ortega noong nakaraang taon. Habang si Ecleo ay pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa pagpatay sa kanyang asawa.

Kahapon, Biyernes (Abril 20), habang tinutugis nila ang ibang wanted sa batas ay hindi naman sila tumitigil sa paghahanap kay Palparan.

“I think that particular observation of the PNP chief was a statement of fact. We know it will not deter them from continuing their efforts to find the retired general,” ani Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply