Pakikialam sa lovelife ni PNoy kinastigo ni Honasan

KINASTIGO ng isang senador ang pakikialam ng isang militanteng grupo sa personal na gawain ni Pangulong Benigno Aquino III partikular ang pakikipag-date sa DJ/TV host na si Grace Lee.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, wala na sa lugar ang pambabatikos ng militanteng grupo kay Aquino dahil personal na gawain ang pakikipagkita ng Pangulo kay Lee na hindi na dapat pang pakialaman ninuman.

“Wala na sa lugar ang ginagawang pagbatikos ng ilang militanteng grupo kay Pangulong Aquino III dahil pati na ang personal niyang buhay ay pinakikialaman na rin nila,” ayon kay Honasan.

Sinabi ni Honasan na lubha nang kalabisan ang pakikialam ng militanteng grupo kay Aquino kaya nararapat nang tigilan ang pambabatikos sa personal na gawain ng Chief Executive.

“Kalabisan na kung pati personal ng Pangulo ay panghimasukan pa ninoman, hindi naman napapabayaan ang mga importanteng trabaho,” katwiran ni Honasan.

Matatandaan na pinuna ni Elmer Labog, national chairperson ng KMU, ang panonood nina PNoy at Lee sa concert ni Bralizian jazz legend Sergio Mendes sa Smart Araneta Coliseum dahil habang naghihirap aniya ang mga residenteng dinedemolis ang bahay sa Silverio Compound sa Sucat Road, Parañaque City ay nagpapasarap naman sa buhay ang Pangulo.

Sinabi naman ni Honasan na bago sana magkomento ang mga militanteng grupo ay dapat muna nilang isipin na binata ang Pangulo kung kaya natural lamang na makipag-date sa kanyang kasintahan pagkatapos ng kanyang maghapong trabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply