Pakikipagsapalaran sa Macau

MULA sa pagiging isang store manager ay napilitang makipagsapalaran sa bansang Macau bilang isang waiter ang ating kababayang si Emerson Manacop.

Sa isang kilalang club house sa Macau na kung tawagin ay Apo Mac, ko nakilala ang Pinoy na si Emerson, isang waiter doon.

Tubong San Antonio, Nueva Ecija si Emerson at ayon sa kanya ay nagtatrabaho siya sa isang kilalang fast food chain bilang isang store manager noong narito pa siya sa Pilipinas. Subalit dahil sa maliit na suweldo at hirap ng buhay rito ay naisip niyang mangibang bayan upang  doon  makipagsapalaran.

Sa tulong at biyaya ng Maykapal ay nakarating at nakapagtrabaho siya sa Macau bilang isang waiter sa isang Mexican restaurant doon. Ngunit dahil wala siyang blue card, isang government permit na ibinibigay para sa mga non-resident worker doon, ay nahirapan siya dahil na rin sa takot na baka mahuli ng mga awtoridad.

Hindi nagtagal ay nagkaroon din siya ng kaukulang permit upang makapanatili at makapagtrabaho roon.

Lumipat siya ng pinagtatrabahuhan sa Apo Mac, isang club house para sa mga Government retirees ng Macau. Kumpleto ang mga pasilidad ng nasabing lugar, magmula sa library, clinic, coffee shop at iba pa.

Nagtrabaho siya roon bilang isang all around waiter, kung saan ay naranasan niya ang iba’t ibang trabaho magmula sa paglilinis hanggang sa mga paper work.

Ayon sa kanya ay isang pagsubok ang lungkot na naranasan niya bunga ng pagkalayo sa pamilya at ang trabaho roon kung saan ay minsan niyang naranasan na maglinis ng comfort room gamit ang sarili niyang mga kamay.

“Yung boss ko before napakametikuloso. So nililinis ko yung inidoro. Hindi siya masaya so there came a point na talagang kinakamay ko na yung inidoro and talagang tumutulo yung luha ko.

Sabi ko ano ba ‘yung ginagawa ko rito sa Macau?”  kwento ni Emerson.

Subalit ayon sa kanya ang lahat ng pagod at lungkot na tinitiis ay nawawala kapag naiisip niya na ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kanyang pamilyang naiwan dito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pakikipagsapalaran ni Emerson sa Macau, kung saan ay naipakikita niya ang tiyaga, sipag at dedikasyon nating mga Pilipino sa trabaho.

Sa pagtatapos ng aming panayam ay napahanga ako sa naging sagot ni Emerson ng akin siyang tanungin tungkol sa kanyang mga plano o pangarap para sa hinaharap.

“We all have dreams, pero may kasabihan nga, the good life starts when you stop dreaming of a better one. Kung ano yung mayroon muna at the moment although ofcourse I have dreams pero I’m happy with what I have at the moment at kung ano ang darating na blessing papasalamatan ko. Pero hanggang nandito pa tayo let’s thank God for these dahil blessing rin ito for us.” Pahayag niya.

Tunay na ang lahat ng bagay na nasa atin ay biyaya at ayon sa kapahintulutan ng Panginoon at ang lahat ng ito ay maaring makatulong sa atin sa pagtahak sa landas na haharapin natin sa darating na panahon.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply