PAL, Cebu Pacific apektado sa ‘no-fly zone’

INILABAS na ng Philippine Airlines at Cebu Pacific ang listahan ng mga biyahe na maaapektuhan sa ipinalabas na abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa ilulunsad na missile launch ng North Korea simula Abril 12.

Ani PAL spokesperson Cielo Villaluna, dahil sa nasabing notice ay magpapatupad sila ng rerouting sa mga susunod na biyahe.

Nauna nang nag-abiso ang gobyerno ng Pilipinas na magpapatupad ng no-fly zone sa mga lugar na bahagi ng 190 nautical miles northeast ng Cagayan province at southward hanggang 140 nautical miles east ng Polilio Island.

Magsasagawa ang North Korea ng long-range ballistic missile test sa pagitan ng Abril 12 hanggang Abril 16 mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga sa kabila ng protesta ng maraming mga bansa kasama na ang Pilipinas.

Sa panig ng Cebu Pacific, tatlong fights nila mula Osaka, Japan at pabalik ng Manila ang maaapektuhan sa re-routing.

Pero nilinaw ni CAAP spokesperson Joy Songsong, na hindi “no fly zone” ang kanilang idineklara kundi pansamantalang pagsasara lamang ng ilang flight routes.

Kabilang aniya sa maaapektuhan ay ang biyahe ng Korean Airlines, Japan Airlines at Singapore Airlines.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply