Palakasan sa DSWD at putahan sa QC Executive

MAMAMATAY ka kapag sa DSWD-NCR Legarda Maynila ka humingi ng tulong.

Yan ang isinisigaw ng ating uzi makaraang danasin nito ang todong pahirap ng mga gagong tauhan ng DSWD.

BALIK-BALIK

Kamakailan ay inupakan natin ang DSWD sa pagpapahirap nito sa magulang ng sanggol na si Thia Loreign Hernandez.

Namatay ang batang walang kalaban-laban dahil na rin sa pahirap na ginawa ng DSWD. Sa halip na i-release kaagad ang tulong na kailangan ng bata ay pinabalik-balik pa nila ang magulang na galing pa sa Nueva Ecija.

Tang-ama n’yo! Sana mangyari rin ito sa mga anak n’yo para maramdaman n’yo kung anong hapdi ang idinulot n’yo sa pamilya Hernandez.

TRABAHO N’YO YAN

Kung hindi ba naman gago ang mga nagtatrabaho r’yan sa DSWD. Ang akala siguro ng mga gunggong ay utang na loob ng beneficiaries ang natatanggap nilang tulong buhat sa DSWD.

Ulol! Mga hunghang! Suwelduhan kayo r’yan, trabaho n’yo ang tumulong at magserbisyo.

Mga gago!

MASAHOL PA SA PULUBI

Para bang hampas lupa kung tratuhin ng mga gago sa DSWD ang lumalapit dito.

Buti pa ang pulubi, kapag nais natin itong bigyan ng abuloy ay ‘di ito kailangang maghintay ng pagkatagal-tagal.

Dito sa DSWD kapag bumaba sa 6 na oras na ma-interview ka ay puwede mo nang sabihing tsamba. Ibig sabihin, grabe ang gagawin na pagpapahintay sa’yo makakuha lang ng kaunting limos.

PALAKASAN SA PILA

Grabe ang palakasan sa pila kaya kawawa ang mga galing probinsiya na walang kilala sa impiyernong DSWD na yan.

Kapag may kontak ka ay sa ibabaw daw ilalagay ang folder kaya siguradong mauuna ang may kontak.

Kulelat ang kawawang promdi.

PADULAS SA PILA

Hindi kailangang pumila ng mahaba kung may padulas ka  sa ilang tiwaling tauhan ng DSWD.

Modus ng mga gago na kumurot ng kaunti sa makukuhang tulong ng mga namamalimos.

Aba’y, gago talaga!

BAGYO KAY DINKY

Bantay sarado raw ni DSWD Sec. Dinky Soliman itong si NCR Dir. Alicia Bonoan kaya kahit na anong kagaguhan ang gawin nito ay OK lang.

Puwes! Huwag kang mag-alala Director, hanggang hindi nakararating kay PNoy ang kagaguhan mo ay hindi ka namin titgilan sa banat.

Pramis! Punyeta ka!

KYUSI SEX DEN

Maituturing na pinakamatibay na sex den sa Kyusi ang Executive Sauna na matatagpuan sa kahabaan ng Quezon Ave.

ABS-CBN INAREGLO

Ipinagmamalaki ng isa sa mga may-ari na naareglo na raw nila ang XXX ng ABS-CBN na nakakuha ng sex act sa loob ng kanilang establisimyento.

Kaya raw pinayagan ng Quezon City Hall na mag-close open ang kanilang putahan, kahit na lantaran itong nakuhanan ng nakikipagtalik sa mga attendant ang mga customer.

ATTENTION PINKY WEBB

Mataas ang paghanga ng ULTIMATUM kay Pinky Webb sa krusada nito na mapatigil ang pang-aabuso sa kababaihan.

Kaya hindi naniniwala ang ULTIMATUM na nasuhulan ito ng Executive Sauna.

UZI TEXT

Text ng mga uZIserong buwisit na sa sistema.

PINAHIHIRAPAN NG SSS

Sir Benny, walanghiya talaga ang mga empleyado ng SSS. Pera mo na ang kinukuha mo pinahihirapan ka pa nila. Lalo na po yung mga namatayan. Kulang na lang po na pati patay ay dalhin mo sa opisina nila para sila maniwala na siya ang member ng SSS. Sana po, Sir Benny, pakipaabot naman sa bosing nila para maintindihan nila yang kawalanghiyaan nila. Nangyayari po ito rito sa Iba, Zambales. Pakikalampag nga po yung bosing dito, please. Don’t publish my full number. Mabuhay ka, Sir Benny. Thank you very much, more power & God bless. Arnel Berroya of Neostar Chronicle. +63943540….

BILIB KINA TULFO

Bilib po kami sa tatlong magkakapatid na Tulfo dahil maaasahan sila.Tumutulong sila sa mga taong inaapi at inaabuso kaya suportahan natin sila dahil mahirap ang career nila. +63929149….

TABINGING PAGTRATO NG NHA

Last year po na-relocate kami rito sa Gaya-Gaya, Bulacan at mayroon din po sa Montalban, Rizal. Ang ibinigay po ng National Housing Authority sa amin ay P5,000 lang na financial assistance. Nag-volunteer na po kaming mag-pa-relocate dahil sa ayaw na naming makipaglaban pa sa gobyerno. Kahit napakalayo pa sa trabaho namin at ng mga asawa namin. Tiniis namin ang halos isang taong walang kuryente at tubig na hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ng iba pa naming kasamahang relocatees dito sa Gaya-Gaya!

Pero parang mauulit na naman po ang nangyaring kaguluhan sa edsa na naging dahilan ng trapik mula sa North Ave. hanggang Makati.

Ito’y dahil  nakakuha kami ng kopya na nagkaroon ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng NHA at ng isang grupong nasa Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City na lumalaban pa rin sa gobyerno.  Ang nilalaman po ng agreement ay makatatanggap pa ang GRUPONG ITO, sa oras sila’y MA-RELOCATE ng P32,000! At ang MADI-DISQUALIFY ay makatatatanggap ng P5,000! Napaka-unfair naman ito sa amin na naunang na-relocate. P5,000 lang ang ibinigay sa amin na financial assistance. Sino ba ang nasa likod ng ganitong mga patakaran? +639082652717

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply