Palawan bombing, iniuugnay sa Ortega case

MAS BINIGYAN diin ngayon ng Philippine National Police na posibleng may kaugnayan sa Ortega Killing o kaya ay bangayan sa local politics arena ang motibo sa naganap na Holy Thursday twin explosion sa Palawan, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Nabatid na inatasan na ng pamunuan ng DILG si PNP Chief Director Gneral Nicanor Bartolome na hukayin ang tunay na motibo sa naganap na pagsabog sa island resort sa El Nido at sa Puerto Princesa na pinaniniwalaang magkaugnay dahil na rin sa magkaparehong uri ng improvised explosive devise na ginamit sa pagpapasabog nitong Maundy Thursday ng hapon.

“I have directed the Philippine National Police chief (Director General Nicanor A. Bartolome) to conduct an investigation and get to the bottom of the case and look at all possible angles,” ani DILG Sec. Jesse Robredo.

Nabatid na hiniling ni Palawan Mayor Hagedorn ang tulong ng PNP-DILG sa insidente matapos isantabi nila ang anggulong terorismo sa naganap na pagsabog.

Sa inilabas na pahayag ni P/ Insp. Grace Vic Gomba, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office, maaaring diversionary tactics o pambulabog lamang ang pagsabog sa El Nido at Puerto Prinsesa.

Wala rin umanong shrapnel hindi gaya ng ibang mga pagsabog kung saan ang mga nasugatan ay hindi dahil sa shrapnel kundi sa impact ng bomba.

Ang mainit na pulitika ang nakikita ng mga awtoridad na dahilan sa pagsabog na maaaring may kinalaman sa pagpaslang sa mamamahayag na si Jerry Ortega.

Napag-alaman din na nagtatag ang PNP Region IV-B ng “Task Force Hunter,” na pamumunuan ni P/Senior Supt. Abad Osit, Puerto Princesa chief of police, at  P/Senior Supt. Reynaldo Jagmis, Palawan provincial director upang busisiin ang pagsabog sa Entaula Beach Resort, Zone 3, Barangay Masagana sa El Nido bandang alas-5:20 at sinundan ng isa pang pagsabog sa Puerto Princesa na ikinasugat ng tatlong katao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply