Palawan Mayor Reyes pansamantalang papalitan ng bise-alkalde

PANSAMANTALANG mauupo muna ang bise alkalde ng Coron, Palawan sa puwesto ni Mayor Mario Reyes habang nagtatago muna ang huli sa batas.

Si Reyes at ang kapatid nitong si dating Palawan Governor Joel Reyes ay kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad bunsod ng warrant of arrest kaugnay ng pamamaslang sa brodkaster at environmentalist na si Gerry Ortega.

Batay sa panayam ng dzMM kay Interior Secretary Jesse Rebredo, nagbigay na siya ng direktiba para kanselahin ang leave of absence ng alkalde kung saan naka-leave si Mario Reyes mula Marso 19 hanggang kahapon, Abril 9.

Paliwanag ni Robredo, may apat na araw pa na hihintayin at kapag hindi pa rin lumutang si Reyes, posibleng i-upo na nila sa susunod na linggo ang vice mayor bilang pansamantalang mayor.

Idiniig naman ni Robredo na kung sakaling lumutang at maaresto si Reyes, hindi agad-agad na tatanggalin ito sa pagiging alkalde dahil mayroong hiwalay na proseso para rito.

Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation sa ikadadakip ng magkapatid kung saan kinumpirma ni Robredo na nananatili pa rin ang mga ito sa bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply