Palm Sunday, wag haluan ng kalokohan – CBCP

PINAALALAHANAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katoliko na huwag gawing katatawan o haluan ng biro at kalokohan ang pagdiriwang ng Palm Sunday o Linggo ng Palaspas, kahit natapat ito sa pagdiriwang ng April Fools’ Day.

Ayon kay CBCP media office director, Monsignor Pedro Quitorio III, hindi dapat mapalitan o mabago ang mensahe ng Palm Sunday, na isang mahalagang pagdiriwang para sa Simbahang Katolika.

Ang April Fool’s Day, na nagmula sa ancient Roman festival ng Hilaria at ng Festival of Fools noong Middle Ages, kung kailan ang mga tao ay nagbibiro at naglalaro ng mga trick sa kanilang kapwa.

Gayunman, kahit pa natapat sa naturang araw ang Linggo ng Palaspas, sinabi ni Quitorio na hindi pa rin dapat na gawing biro ang naturang okasyon.

Iginiit pa ni Quitorio na ang palaspas ay may simbolikong kahulugan at ito ay ang pagsalubong kay Hesus sa kanyang matagumpay na pagpasok sa Herusalem at pagsunod sa kagustuhan ng Panginoon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply