Palpak na rocket launch ikinatuwa ng CBCP

IKINATUWA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang palpak na rocket launch ng North Korea kahapon (Abril 13).

Ayon sa CBCP, marami ang natuwa sa nangyari dahil hindi natuloy ang masamang epekto nito sa bansa.

Isa si Cubao Bishop Honesto Ongtioco, ang nagsasabing hindi lahat ng bagay ay kontrolado ng tao dahil may mga pagkakataon na gumagawa ng paraan ang Panginoon upang hindi ito matuloy.

Sa pananaw naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ng CBCP plenary council, dapat aniyang nilaan na lang ang pondong ginamit sa rocket launch sa mga nagugutom sa North Korea.

Anila, dininig ng Panginoon ang dasal na taumbayan na hindi makapagdudulot ng masamang epekto sa bansa ang isinagawang rocket launch.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply