Pamamahagi ng lupa ng HLI hindi isyu

WALANG problema sa pamamahagi ng lupain sa Hacienda Luisita sa mga benepisaryong magsasaka.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, nakatuon ang kanilang pansin sa valuation ng lupain.

Matatandaang batay sa ruling ng Korte Suprema, susundin ang presyuhan nito noong 1989 imbes na 2006.

Aniya, isyu na lamang ang valuation dahil hindi pa nila nalalaman ang epekto nito sa gobyerno at beneficiaries.

Sa ngayon, wala pang reaksyon ang Pangulo dahil hindi pa nito nakikita ang kabuuan ng resolusyon at hindi pa nagbibigay ng briefer si Agrarian Reform (DAR) Sec. Virgilio de los Reyes.

Sinabi ng opisyal na walang mangyayaring gantihan sa mga mahistradong pumabor sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita taliwas sa pahayag ni Chief Justice Renato Corona na aasahan na nito ang ganti ng Pangulo kaugnay sa nasabing desisyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply