Pambansang Kamao na pambansang balimbing pa

BILIB din tayo sa diskarte nitong si Saranggani Cong.Manny Pacquiao.

Hindi kasi ito nagpapahuli kung abilidad din lang ang pag-uusapan dahil matapos itong manalo sa partidong Nacionalista Party ni Manny Villar noong 2010 ay agad itong lumipat sa Liberal Party ni Pangulong Noynoy Aquino bago magsimula noon ang sesyon sa Kamara.

At noong Lunes ng gabi,sa isang hotel sa Makati ay lumipat na naman ito sa partido ni Vice President Jojo Binay na PDP-Laban sa pamamagitan ng panunumpa kay Sen.Coco Pimentel,isa sa mga boss ng naturang partido,na sinaksihan naman ng anak ni Tenga na si Joey de Venecia,na balak yatang muli tumakbong senador ng republika.

Kung ganitong pulitiko ang mamimirati sa bansa,tiyak na sasablay ang buong liderato at babagsak ang bayan dahil halatang personal na interes lamang ang tanging number one sa kanilang adhikain.

Personal na sintemyento at hindi kapakanan ng bayan ang mukhang nangibabaw kay Pacquiao dahil matapos na matalo si Villar noong 2010 ay agad ito tumalon sa LP at ngayon naman ay sa PDP-Laban dahil nabuwisit ito sa ginagawang paghahalungkat sa kanya ng BIR na sa ating palagay ay marapat lamang.

Maraming pang gustong mangyari o balakin si Pacman sa pulitika pero kapag ipinagpatuloy niya ang kanyang istilo sa kasalukuyan ay tiyak na wala itong kahahantungan dahil trapong-trapo ang kanyang dating lalo’t unti-unti na siyang nabibisto ng taumbayan.

oOo

Si Pacman rin daw ang magiging bise presidente ng PDP-Laban sa Mindanao. Biglang yatang angat agad itong si Pacquiao dahil hindi ito dumaan sa pagiging ordinariong miyembro ng partido at agad itong tumalon sa pangalawang pangulo ng lapian.

Ano kaya ang nakita ng PDP-Laban kay Pacman kung kaya’t ginawa nila itong bise agad gayung hindi pa yata ito sumasailalim sa briefing ng partido na alam nating importante sa isang lapian.

Mukhang ang prinsipyo at tenets ng lapian ay di pa nga alam ni Pacman pero angat agad siya sa iba.

Sayang ang lapian ito na pinundar ni dating Sen.Nene Pimentel dahil kilala itong prinsipyadong at hindi oportunistang partido,na ang tanging hangad lamang dati ay pagbabago at maiangat ang bayan.

oOo

Sino itong dating assistant secretary ni GMA na pr ngayon ng isang lungsod?

Hindi raw kasi ito na re-appoint ng kasalukuyang liderato ng bansa si ex asec kaya’t galit na galit daw ito kay PNoy.

Mabanggit mo lamang daw ang name ni PNoy ay usok na ang tenga ng dating asec lalo na ang asawa nito na may hawak rin ng isang departamento sa isang siyudad ng Metro Manila.

Nabisto raw kasi ng liderato ng Liberal Party na balimbing itong si dating asec dahil lahat daw ng partido noong 2010 ay tinayaan nito, maliban sa matakaw daw ito sa pera.

Sayang ang pagiging malapit nito sa LP dahil isa ito sa trusted ng lapiang ito noong araw pero dahil nga nabisto na “magaling” ay di na ito makalaya sa kanyang kalbaryo sa ngayon.

Ayan ang napapala ng sobra galing at tuso dahil hindi naman araw-araw ay pasko.

oOo

Sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito,maari kayong mag-e mail sa barangayanni_isko@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply