Pambansang krisis sa kuryente ibinabala

IBINABALA ni Senate President Juan Ponce Enrile na magkakaroon ng pambansang krisis sa kuryente kung hindi kakagatin ng mamamayan ang mataas na halaga ng gatong.

Sa panayam, sinabi ni Enrile na magiging national crisis ang nagaganap na krisis sa elektrisidad sa Mindanao dahil kakapusin na rin ng suplay ang Visayas at Mindanao kundi kaagad kikilos ang pamahalaan na humanap ng solusyon, sa halip na dumaldal nang dumaldal.

“Magiging national crisis ito kasi pati ang Visayas at Luzon may forecast na kakapusin ng suplay kasi noong ginagawa ang EPIRA, pinag-usapan namin ang final version, noong natalo ako sa Senado noong 2001, iyon ang kahuli-hulihang ginawa namin na batas noon noong nasa Senado ako,” ayon kay Enrile.

Ayon kay Enrile, dapat nang kagatin ang mataas na halaga ng elektrisidad dahil naisabatas na ang EPIRA at itigil ang paninisi sa nakaraang administrasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply