Pamilya ng Pinay na napatay sa US shooting tutulungan ng DFA

TUTULUNGAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mister ng Pinay na isa sa pitong napatay sa pamamaril sa Oikos University sa Oakland, California.

Ito ang tiniyak ng DFA makaraang hilingin ng pamilya ng 24-anyos na si Kathleen Ping na tulungan ang asawa nitong makakuha ng visa upang agad makalipad patungong Amerika.

Base sa pahayag ni DFA Spokesperson Raul Hernandez, gagawin ng konsulada ang lahat ng maitutulong nito sa anumang aksyong gustong gawin ng mister.

Binanggit ni Hernandez na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate sa mga awtoridad sa Amerika kaugnay ng insidente.

Ngayong umaga aniya, dinalaw na rin ng mga opisyal ng konsulada ang pamilya ni Ping sa East Oakland.

Limang taon nang nasa US si Ping at hinihintay na lang sana ang kaniyang US Citizenship. Naiwan niya roon ang mga magulang, tatlong kapatid at ang kaniyang apat na taong gulang na anak na lalaki.

Matatandaang noong Abril 2, namaril ang dating nursing student na isang Koreano matapos umanong magalit dahil sa pangungutya sa kaniyang pagsasalita ng Ingles.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply