Pampapoging opisina ng QCPD itinatag

NAKAPAGTATAKA kung bakit nagtatag pa ng bagong tanggapan na mangangasiwa ng kanilang press release o pampa “pogi” ang Quezon City Police District (QCPD) gayong mayroon naman silang Public Information Office (PIO).

Ayon sa impormasyon na nakarating sa Lily’s Files, kumuha raw itong si QCPD Director Gen. Mario dela Vega ng mga tao para sa bagong tatag na  opisina  na kanilang tinawag na Office of the Strategic Communications (OSC).

Bakit? Ano ang magiging papel ng PIO  at saan kukunin ang budget para sa bagong tatag na tanggapan ng QCPD?

Sinasabing ang proponent daw nito ay isang taga-TV na umano’y inaanak ng isang gobernador ng isang lalawigan sa Central Luzon na sinasabi ring matalik na kaibigan nitong si General Dela Vega.

Dahil hindi raw matanggihan ng Heneral si Governor ay pumayag ang una  na maitatag ang Office of the Strategic Communications.

Sa impormasyon  ay napag-alaman na ilan sa mga naging dahilan umano ni Dela Vega kung bakit pumayag  ito  sa proponent ng inaanak ni Governor ay  ang pagiging inutil ng PIO ng QCPD.

Hindi umano  magampanang mabuti ng PIO ang kanilang tungkulin lalo na sa gustong news release at  hindi rin umano mapigil ng PIO ang kaliwa’t kanang mga bira at batikos kay Dela Vega at sa ilan pang opisyal ng QCPD.

Kung totoo ang dahilang ito  ni Dela Vega, bakit kailangan pang magtatag ng bagong opisina, eh, puwede namang palitan na lang ang PIO Chief na si Maj. Edgar Osam at gawin na lamang  hepe ng PIO yung inaanak ni Gob.

General Dela Vega, Sir, maraming tao ang walang makain   pero ikaw ay nag-aaksaya ng pera ng gobyerno para lang sa walang kakuwenta-kuwentang project na ito.

Bakit hindi n’yo na lang gugulin sa ibang makabuluhang project ng QCPD ang perang ilalaan ninyo sa proyektong ito upang sa gayon ay maitaas ninyo ang morale ng mga pulis lalo na sa Lungsod ng Quezon?

Maraming kilay ang tumaas sa walang kakuwenta-kuwentang project na ito ni Dela Vega ngunit may magagawa ba sila? sabi nga ng mga sipsip  na  tuta ng Heneral, mag-District Director muna sila.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000  at 0908-7230036 o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply