Pamumulitika sa ARMM itigil muna – Mujiv

COTABATO CITY – Itigil muna ang pamumulitika sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ito ang pangunahing panawagan ni Regional Governor Mujiv Hataman sa kanyang ika-100 araw na Ulat sa Bayan.

May pagtatampong sinabi ni Hataman na hindi kaya ng iilan ang pagsugpo sa korapsyon sa ARMM kung hindi dapat gumalaw ang mga alkalde.

“Magbuwis tayo ng buhay kung kinakailangan para labanan ang korapsyon sa loob ng ARMM. Itataya ko ang aking pamilya, magkaroon lamang ng pagbabago. Iwasan na natin ang pamumulitika, magtrabaho na tayo,” ayon kay Hataman.

Bukod sa kanyang pamilya, dumalo rin sa pagdiriwang si Political Adviser Secretary Ronaldo Llamas, Senador Teofisto Guingona III, at YACAP partylist Rep. Carol Jane Lopez.

“Ngayon pa lamang ay nakikiusap na ako sa inyo na gawin ninyong legal ang lahat ng inyong pag-uusap. Sa mga supervisor na kumakawawa sa mga guro, humanda kayo,” ani kay Hataman sa kanyang talumpati.

Kabilang sa mga binanggit ni Hataman sa kanyang Ulat sa Bayan ay ang ginawang reporma ng ARMM-Regional Reconciliation and Unification Commission (RRUC) sa aktibidad nito base sa mandato at responsibilidad.

Sa ganitong paraan ay maipatutupad aniya ang “Rido Free and Peaceful Autonomous Region in Muslim Mindanao that aims at developing mechanisms and recognizing those alternative methods in resolving conflicts in the region.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply