Pamumulitika itigil muna

SA ika-100 araw na Ulat sa Bayan ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman, isa sa kanyang hiniling ay itigil na muna ang pamumulitika sa rehiyon.

Ika nga ni Hataman, hindi kaya ng iilan lamang ang pagsugpo sa korapsyon sa ARMM kung hindi gagalaw ang iba pang opisyal.

Kung kailangan aniyang magbuwis ng buhay ay gawin para labanan ang korapsyon.

Handa ring itaya ni Mujiv ang kanyang pamilya, magkaroon lamang ng pagbabago sa ARMM na ipinagkatiwala sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino.

At sa mga sinabing ito ni Mujiv, isa lang ang malinaw — pursigido siyang sa maikling panahon na pamumuno sa ARMM ay nais niyang mag-iwan ng tatak ng pagbabago.

Katapangang kahit sino ay mahirap panindigan lalo na kung hindi naman bukal sa kalooban.

-000-

At bilang pasampol, iniulat din ni Hataman ang inumpisahan nang reporma ng ARMM na Regional Reconciliation and Unification Commission (RRUC).

Sa nasabing paraan ay naipatupad ang “Rido Free and Peaceful Autonomous Region in Muslim Mindanao” na layuning magkaroon ng alternatibong paraan para maibsan ang kaguluhan sa kanyang pinamumunuan.

Mahirap nga namang masugpo ang korapsyon kung hindi naman kayang supilin ang mga naghaharing-uri sa ARMM.

Kaya tama lamang na tapyasan muna ng mga sungay ang mga wala sa lugar na matatapang sa rehiyon nang hindi na madagdagan pa ang wala rin sa lugar na tiwala nila sa mga sarili.

-000-

Speaking of tapyas sungay, naniniwala naman tayong tuluyang malilipol ang mga “siga” sa ARMM sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “no-gun zone”  na isasampol sa mismong loob ng ARMM Compound sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato City.

May ilang siga nga naman na tumatapang lang kapag may karga.

‘Yun bang tipong ginagamit ang kanilang makikinis at matataas na uri ng armas para lamang katakutan at makakurakot.

Kaya sa “no gun zone” ni Hataman, tiwala tayong unti-unti ay magkakaroon ng katahimikan sa ARMM.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply