Panalangin ilalaban vs rocket launch

NANINIWALA ang isang Obispo na malaki ang maitutulong ng sama-samang panalangin sa pagpigil sa balak ng North Korea na magpakawala ng rocket sa pagitan ng Abril 12 hanggang 16.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)- National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), nakakabahala dahil hindi pa rin naman batid ninuman kung anong pinsala ang maaaring maidulot ng naturang rocket launching sa mga bansang maaaring daanan o tatamaan nito, tulad ng Pilipinas.

Kung magkakaroon din naman ng paglaban ang Japan o Amerika at sagupain ang balaking ito ng North Korea, tiyak na mas malaking gulo ang mangyayari at marami ang madadamay.

Bunsod nito, umapela si Pabillo sa lahat na ipanalangin na hindi matuloy ang planong rocket launching ng North Korea nang wala nang maapektuhan.

Samantala, ikinabahala rin naman ng Obispo ang kawalan ng kaalaman ng pamahalaan sa epekto at kung gaano katindi ang pinsala ng babagsak na debris mula sa rocket ng North Korea.

Una nang pinaghahanda ng pamahalaan ang anim na rehiyon sa bansa kabilang na ang Region 1 (Ilocos), Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon), Region 4-a (CALABARZON), Region 5 (Bicol) at Cordillera Region na maaari umanong daanan ng rocket na inihahanda ng North Korea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply