Panawagan ni PNoy at si Bistek ng QC

TAMA lamang at napapanahon ang pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na marapat nating isabuhay at tumalima sa salita ng Diyos.

Ito ang tugmang panawagan ni PNoy sa mga mamamayan ngayong Pasko ng Pagkabuhay dahil ito ang susi ng buong mundo higit sa lahat ang bansang ito sa pagbabago upang makaangat tungo sa tunay na tagumpay.

Sinagip tayo ng Dakilang Anak ng Diyos sa pagkakasala, kaya’t marapat lamang nating sundin ang kanyang tagubilin na isabuhay ang kanyang mga salita.

Nakita rin ng Pangulong Noynoy, na ito rin ang tamang panahon para ipaalala sa mamamayan ng bansa ang kanyang panawagan tungo sa isang “tuwid na daan” na katangap-tanggap na prinsipyo para sa kinabukasan ng Pilipinas.

Marami nang lider ang nagkamali sa kanilang pamamalakad dahil sa hindi pagsunod sa tuwid na daan na isinasabi ng Maykapal kaya panahon na para ito tuldukan upang yumabong naman ang bansa.

Tama rin ang sabi ni PNoy na ‘wag tayong bibitaw sa Dakilang Lumikha  dahil bilang mga nilalang na ginawa ng Diyos,tayo’y mananatiling buhay at may pag-asa dahil ang isang problemang ibinigay ng Panginoon ay isang pagsubok lamang.

Marami pang napapanahong panawagan ngayong Pasko ng Pagkabuhay ang Pangulong Noynoy Aquino kaya tayo nang samahan siya upang makamtam ng ating bansa ang inaasam-asam na pagbabago at pag-unlad gamit ang tuwid na landas ng Panginoon.

####

Nasa tama ring landas ang tinatahak ngayon ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Kitang-kita ngayon sa Lungsod Quezon ang tunay na kaganapan ng pagbabago at pag-unlad dahil sa kanyang mga proyektong direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.

Nariyan ang kabi-kabilang programang pangkabuhayan ng mamamayan na tumutugon sa usapin ng kahirapan at nariyan din naman ang mga programang pang-inprastraktura na siya namang nagpapakita sa patuloy ng pag-unlad ng Lungsod Quezon.

Marami na ang nanunungkulan sa nasabing siyudad pero iba itong si Bisktek dahil mas prioridad niya ang patuloy na paggawa kaysa sa pagpapapogi lamang.

###

Para sa inyong reklamo at suhestiyon, maaari kayong mag-email sa barangayanni_isko @yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply