Pangasinan sinalanta ng buhawi

ISANG buhawi ang sumalanta sa ilang ari-arian sa Magilas Trail, Barangay Bantog, Asingan, Pangasinan.

Nabatid sa Office of the Civil Defense (OCD) Regional Center 1, kabilang sa mga sinira ng naturang buhawi ang dalawang bahay na yari sa nipa, bubong ng barangay post at waiting shed, at ang signage ng isang gasoline station.

Wala naman umano napaulat na nasaktan sa nangyaring pananalasa ng buhawi sa nasabing lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply