Parak binoga ng ‘alkalde’

NAGTAMO ng sugat ang isang pulis makaraan umanong barilin ng isang alkalde ng Sta. Maria, Isabela.

Ayon sa ulat mula Police Regional Office 2, kinilala ang sugatan na si SPO1 Wilfredo Datul na tinamaan ng bala sa kaniyang kaliwang paa na nakatalaga sa Sta. Maria Police Station.

Base sa inisyal na imbestigasyon, itinuturong namaril sa pulis si Mayor Davis Omar Masigan sa loob pa umano ng kanilang compound sa Barangay Poblacion.

Kaagad naman na isinugod sa Elvin Masigan Hospital si Datul na kalaunan ay inilipat sa St. Paul Hospital.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply