Parak na may HIV-AIDS hindi sisibakin

HINDI sisibakin sa serbisyo ang mga pulis na mapatutunayang may HIV o may AIDS ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Superintendent Agrimero Cruz Jr. kaninang umaga.

Ito ang pagtiyak ng PNP na ang mga parak na may HIV-AIDS ay ikukubli ang kanilang pagkakakilanlan habang nagkakasa ng programa na ang adhikain ay mapataas ang karunungan hinggil sa naturang sakit.

“Reasonable assignment accommodations for HIV-positive PNP personnel will be given upon the recommendation of the duly authorized medical officer and will not be separated from the service based solely on actual, perceived or suspected HIV status,” pahayag ni Cruz.

Mahigpit aniyang sinusunod ng PNP ang medical confidentiality sa paghawak ng medical information, lalo na ang pangalan at status ng kanilang tauhan na may  HIV.

Sinabi ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome na ang kanilang pananaw sa mga pulis na HIV-positive ay “non discriminatory” at “non-stigmatizing.”

“Full assistance will be provided since our priority is to secure their welfare and benefits of all personnel,” pahayag pa ni Bartolome.

Hindi naman nabanggit ng PNP kung gaano karaming pulis ang na-diagnose na may HIV o AIDS.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply