Parcel scam ibinabala ng Bureau of Customs

NAGBABALA ang Bureau of Customs sa publiko na maging alerto sa mga manloloko na ginagamit ang ahensya  upang maningil ng mga buwis at duties ng diumanoy mga parcel o packages galing sa abroad na idedeliber sa address ng mga bibiktimahin.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, naalarma ang ahensya sa mga ulat na maraming nang mga naging biktima ng modus ng masasamang loob, kaya nag-utos ito ng malawakang information campaign sa publiko upang makaiwas sa nasabing sindikato.

Hindi aniya nagpapadala ng mga letter of notice ang Bureau of Customs hinggil sa packages na mula sa abroad upang bayaran ng mga indibidual ang duties ng mga ito.

Ang Postal Service Office lamang ang nagpapadala ng mga notice, ayon kay Biazon sa kanyang pag-inspeksyon kamakailan sa Central Mail Exchange Center sa Ninoy Aquino International Airport kung saan pinoproseso ang EMS postal packages ng BOC.

Kung mayroon aniyang dapat bayaran, sa BOC lamang dapat bayaran at wala nang iba pang ahensya hinggil sa mga buwis sa parcels o packages na dumarating sa bansa dahil mandato ng ahensya ang alamin ang halaga ng mga binubuwisang produkto o packages at kolektahin ang mga ito.

Kung may maniningil sa mga buwis ng packages maliban sa BOC ay dapat ireport agad sa Bureau of Customs na nakikipag-ugnayan na sa National Bureau of Investigation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply