Reclusion temporal ipinataw sa ‘pyramiding queen’

IMBES na reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang ipataw sa tinaguriang pyramiding queen na si Rosario Baladjay ay ginawa na lamang na reclusion temporal o pagkabilanggo ng apat hanggang 20 taon.

Ito ay matapos na pagaanin ng Court of Appeals (CA) ang parusang ipinataw ng mababang hukuman kaugnay sa kaso nitong estafa.

Sa 21-pahinang desisyon ng Appellate Court Special 15th Division, sa halip na reclusion perpetua ang ipataw kay Baladjay at kapwa akusado na si Robella de Guzman ay ginawa na lamang na reclusion temporal.

Pinawalang-sala rin ng CA ang isa pang kapwa akusado ni Baladjay na si Rosalina Borja dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya na magdidiin kay Borja sa krimen.

Kasabay nito, inatasan ng CA sina Baladjay at De Guzman na magbayad ng P4 milyon at may katapat na anim na prosiyentong interest kada taon sa mga complainant.

Nag-ugat ang kaso laban sa mga akusado matapos na magreklamo ang isang Christine Yu na kabilang sa sinasabing mga niloko ng grupo ni Baladjay na namumuhan sa itinayo nilang negosyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply