Parusang bitay okay sa anak at sa ama

NITONG nakaraang Huwebes, may binitay na mga mamamatay-tao sa Japan.

Napatunayang nagkasala sila sa pagpatay ng mahigit sa isa katao sa magkakahiwalay na pagkakataon at sa iba’t ibang kadahilanan.

ITINURING NA KRIMINAL

Yung isa, naging praning at basta na lang niya inararo ang maraming tao gamit ang kanyang kotse.

Lumabas ito sa kanyang kotse, naglabas ng patalim at nanghalikaw ng saksak hanggang sa makapatay ng limang katao.

Yung isa naman ay pinatay niya ang kanyang mga matatandang biyenan, 12 taong anak ng kanyang asawa at ang asawa nito mismo. Ginawa ng mister ang pagpatay habang dinidiborsyo siya ng kanyang misis.

Yung pangatlo, basta na lang pumatay ng dalawang babae.

1 TAONG WALANG BITAYAN

Sa nakaraang 20 taon hanggang Hulyo 2010, pinairal ang bitay bilang parusa sa Japan.

Babae, mga Bro, na may yagbols ang Justice Minister nila noon na nagpatupad ng parusang bitay. Pumunta siya mismo sa bitayan ng dalawang kriminal.

Pagkatapos ang pagpaparusa, inanyayahan niya ang mediamen na bisitahin ang execution chamber at hinayaan ang mga ito na mag-ulat sa bayan at maglabas ng mga kuro-kuro kung ipagpapatuloy pa ang parusa.

Sa taong 2011, walang bitayan na naganap dahil sa pagkontra rito ng mga anti-bitay at habang tinitimbang ng pamahalaan ang kagustuhan  ng mamamayan dito.

Pero dumating ang survey na nagsasabing 85% ng mga Hapones ang pabor sa bitay.

Kaya naman, nitong Huwebes, muling pinairal ang parusa at ang nabanggit na nating napatunayang nagkasala ng murder ang sinampulan.

SADDAM STYLE

Hindi lethal injection na nakalalason na kemikal ang pampatay sa mga kriminal gaya ng ginawa noon kay Leo Echegaray. Hindi rin electric chair.
Ewan natin kung nagtitipid ang mga Hapon sa kuryente dahil pinakamahal sa buong mundo ang kuryente nila.

Pagbitay na katulad ng ginawa kay Saddam Hussein ang paraan ng pagbitay sa Japan.

Dalawang floor ang nakalaan sa bitayan. Sa unang palapag, andun ang tali na doon isisingkaw ang leeg ng convict. Itatapat siya sa kuwadradong butas ngunit nakatakip at doon nakaapak ang kriminal. Push button ang pambukas at pansara ng butas.

Kapag may go-signal na ang taga-pindot ng button, magbubukas ang kuwadradong butas at doon na malalaglag ang kriminal na may tali sa leeg.

Sa baba, nag-aantay ang doktor na magdedeklara kung dead on arrival sa second floor ang convict.

Siyempre sa sementeryo na dadalhin ang bangkay, kung hindi susunugin o ike-cremate.

PUGOT-ULO

Noong bata pa si Hesus, yang pugot-ulo naman ang uso bilang parusang bitay.

Tingnan ninyo ang nangyari kay Juan Bautista noon na kababata ni Hesus.

Sa kasagsagan ng pa-birthday ni Herodes sa sarili, sinayawan siya ng anak ng tsiks niya na si Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.

Ang sabi, nagnasa nang todo at hindi lang nasiyahan  si Herodes sa ganda ng sayaw ni Salome kaya sinabi nitong “sabihin mo ang iyong gusto at ibibigay ko sa iyo.”

Doon na sumimple si Herodias, binulongan niya si Salome at sinabing ang ulo ni Juan Bautista ang gusto niya.

Noon din, pinugutan si Juan na sa tingin ni Herodias ay pakialamero sa labing-labing nila ni Herodes.

BITAY SA PAGBATO

Meron pang ibang uso noon sa pagbitay sa mga nagkakasala noon.

Lalo na kay Magdalena o babaeng nagpapasiping sa asawa ng may asawa.

Binabato ang mga nagkakasala hanggang sa mamatay na lang ito.

BITAY SA KRUS

Ibang klase naman ang nangyari kay Hesus.

Makaraan siyang usigin sa speedy trial na ilang oras lang mula sa gabi hanggang matapos na tumilaok ang manok ni Pedro sa madaling araw, dinala si Hesus sa Kalbaryo.

Pinagpasan muna siya ng krus mula sa sentro ng Jerusalem hanggang sa marating nito ang bundok ng Kalbaryo.

Yung krus na kanyang pinasan ang siya ring pinagpakuan sa kanya.

Para masigurado ang kamatayan ng hinatulang nagkasala, tinutusok ng bakal ang dibdib ng binibitay sa krus gaya ng ginawa kay Hesus.

Parusang Romano umano ang ganitong istayl.

Hindi na natin palalaparin pa ang kalagayan ng pagbitay kay Hesus.

Ang sabi, kaiba ang sitwasyon ni Hesus dahil binitay siya upang mailigtas ang sangkatauhan mula sa kamay ng mga kriminal at iba pang makasalanan.

Itong mga binibitay na iba ay napatunayang nagkakasala sa mga karumal-dumal na krimen.

TINANGGAP NI HESUS ANG BITAY

May mahalagang leksyon ukol sa pagbitay kay Hesus.

Bukod sa salvation story sa kamatayan niya, malinaw na tinanggap niya ang parusang bitay kahit ayaw niya. Lalo’t utos iyon ng kanyang ama kaya sinabi niyang “not my will but your will be done.”

Pati ang kanyang ama ay pumayag din sa bitay. Dahil sa bitay pala ay may matinding pagbabago.

Ganap na pagkakitil ng kasamaan at pagkakaroon ng mga panibagong buhay ng higit na nakararami.

Ngayon, paano nga pala ibalik ang bitay sa mahal kong Pinas para magkaroon naman ng kaligtasan ang lahat mula sa kamay ng mga kriminal at may liko-likong daan?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply