Pasahero bumubuhos na sa NAIA

PATULOY na dumadagsa ang mga pasahero ngayong Miyerkules Santos sa terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para magsiuwi sa kani-kanilang lalawigan.

Dahil alam na ng mga biyahero na dadagsain ang paliparan at ayaw nilang maabala, marami sa kanila ang inagahan ang pagtungo sa terminal

Mayroon ding mga pasahero na naghintay ng dalawang oras para mauna sa itinakdang biyahe ng kaninang flight sa NAIA.

May mga dumating ng alas-9:00 kaninang umaga bagama’t alas-2:00 pa ng hapon ang biyahe flight pa-Cagayan de Oro, para maiwasan ang abrerya.

Nagtayo naman ng help desk ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na may kasama ang medical team.

Kanina maraming mga senior citizen ang nag pa-blood pressure bago bumiyahe.

Ayon sa ulat mas marami ang bumibiyahe ngayong taon na umabot sa 18,000 kumpara noong 2011 kung saan na nasa 16,000 ang mga departing passengers.

Umabot naman sa 45,000 ang departure at arrival passengers ng NAIA Terminal 3.

Dahil dito  sinabi ni Eng. Octavio Lina, terminal manager, na apat na gate na ang binuksan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng pasahero

Sa halip na pumila ang pasahero, puwede nang mag-check in online o web check-in kiosk ang mga pasaherong hand carry lamang ang bagaheng bitbit.

Dinoble na rin ang bilang ng security guards sa labas ng terminal na umaalalay sa mga pasaherong may bagahe para maiwasan na maiwanan ang gamit dahil sa pagmamadali.

Inaasahan naman na bukas (Huwebes) ay lalong maraming pasahero pa ang dadagsa sa NAIA Terminal 3.

Sa Good Friday at Black Saturday pa mababawasan ang pagdagsa ng pasahero pero muling magdadagsaan pabalik sa Maynila sa Lunes at Martes (Abril 9 at 10).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply