Pasay, Maynila mawawalan ng tubig

MULA alas-diyes ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi sa Abril 24-25 ay mawawalan  ng suplay ng tubig ang bahagi Pasay at Maynila dahil sa pagpapalit ng main valve sa Espiritu pumping station ng Maynilad sa Malate, Maynila.

Pansamantalang mawawalan ng tubig ang Taft Avenue, P. Ocampo, M. Adriatico Lerveriza. Mabini, Dagonoy, Francisco, Singalong, Estrada, A. Linao, at sa South Super Highway.

Samantala sa Pasay naman, apektado ang F.B. Harrison, Suerte St., Leveriza, Gil Puyat Avenue, Roxas Boulevard, Tripa de Gallina Tramo Line, Flores, Balite, Inquimboy, Arnaiz Avenue, EDSA, Park Avenue, H. Domingo, P. Villanueva, Protacio, Zamora at ang Aurora.

Dahil dito pinag-iipon ang publiko o magtipid ng tubig upang may magamit sa panahon ng pangangailangan ng tubig sa kanilang bahay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply