Paslit dedo sa ligaw na bala sa Albay

HINDI na umabot pa sa ospital ang isang bata makaraang aksidenteng mabaril ng nag-aaway na mga binata sa Albay.

Nabatid na nanonood ang biktimang si Faustin Jhun Delos Santos, 11, ng Barangay Gilid, Ligao City habang nag-aaway ang mga suspek na kinilalang sina Cristopher Umaga y Limbao at Ryan Ratat Lakaw-Lakaw, nang bigla na lamang itong aksidenteng tamaan ng airgun na bitbit ng isa sa mga suspek.

Tinamaan sa tiyan ang biktima na sinasabing sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Ligao PNP habang inihahanda na rin ang kasong isasampa sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply