Paslit kinatay ng may sayad na tiyuhin

KINATAY ng isang lalaking may diperensya sa pag-iisip ang limang taong gulang na babaeng pamangkin sa Albay, kagabi (Abril 24).

Dead-on-arrival sa ospital sanhi ng tinamong mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Gigi at residente ng Barangay Binodegahan, Pioduran, Albay.

Nabaril at napatay naman ng saksing pulis ang tiyuhin ng biktima na si David Quines, 45-anyos.

Sumuko naman agad sa awtoridad ang pulis na bumaril kay Quines na si P02 Jesam Palamones at sinabing ginawa lamang niya ang nararapat at ayon sa kanyang tungkulin.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 kagabi sa bahay ng magtiyo.

Sinabi ni Chief Inspector Mauro Taytay, ng Pioduran Municipal Police Station, na may diperensya sa pag-iisip ang suspek at lalo pang naburyong nang patagayin ng alak ng mga istambay sa lugar.

Nang malasing, umuwi ang suspek sa kanilang bahay at napagdiskitahan ang pamangkin na nanonood lamang ng telebisyon.

Isinara pa muna ng suspek ang pintuan ng kanilang bahay at saka pinagtataga ang kanyang pamangkin.

Tiyempo namang napadaan at nakita ang pangyayari ni Palamones kaya sa tawag ng tungkulin ay binaril niya ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply