Paslit nalunod sa swimming pool sa Iloilo

PATAY na nang lumutang sa swimming pool ang 7-anyos na bata sa Iloilo City inulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Angel Frenzy Marie Barle, ng West Habog-Habog, Molo, nasabing lalawigan.

Nabatid na niyaya ng pinsan na si Sheena Tiangson, 24, ang bata na maligo sa swimming pool sa El Dorado Water Park sa Smallville Complex sa Mandurriao.

Sa hindi malamang dahilan ay basta na lang nalunod ang bata nang hindi napansin ni Tiangson.

Tinangka pang isugod sa pagamutan ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply