Paslit pisak sa gumuhong pader

PATAY ang isang batang lalaki matapos madaganan ng gumuhong parte ng abandonadong bahay sa Caloocan City kagabi (Abril 3).

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Alfrio Rufo III, 6-anyos ng Saint Bernadette, Maligaya Park, Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:00 kagabi, pinanonood ng biktima ang mga hindi nakilalang lalaki na nangunguha ng bakal sa abandonadong bahay malapit sa kanilang lugar nang biglang gumuho ang isang parte.

Minalas na nadaganan ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nabatid na humina ang sementadong parte ng bahay dahil sa madalas na pagkuha ng mga bakal ng mga nangangalakal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply