Paslit todas, magulang at kapatid sugatan sa sunog

NATUSTA ng buhay ang isang paslit habang sugatan naman ang tatay, nanay at kapatid nito nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Quezon City kaninang madaling araw.

Sinabi ni Quezon City Fire Chief Inspector Aristotle Banag, na ang namatay ay nakilalang si Jun Mark Contado, 3-anyos residente ng 29 Jude St., Barangay Payatas B.

Sugatan naman sa insidente ang mag-asawang sina Elmer, 25-anyos at Aiza Contado, 23-anyos at ang 4-anyos na isa pang anak na hindi nakuha ang pangalan.

Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa mimsong bahay ng pamilya Contado na gawa lamang sa light materials.

Ayon pa kay Banag, umabot sa first alarm ang sunog at mabilis na kumalat sa naturang bahay bago ito naapula dakong alas-3:25 ng umaga.

Nabatid pa na nailigtas pa ng mga magulang ang 4-anyos na anak ngunit hindi na pinayagang makabalik pa sa loob ng nasusunog na bahay ang mga ito para iligtas si Jun Mark.

Teyorya ng arson investigators, nagsimula ang sunog sa napabayaang kandila dahil napansin nilang walang kureynte ang bahay ng pamilya Contado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply