Paslit tusta sa sunog sa Mandaluyong

ISANG bata ang nasawi habang dalawa naman ang sugatan makaraang masunog ang isang residential area sa Mandaluyong City.

Ayon sa report ng dzBB, natupok ang may 10 bahay kung saan 15 pamilya ang nawalan ng tahanan sa may Block 38, Martinez Street, Welfareville, Barangay Addition Hills.

Ayon kay Leonisita Sales, ina ng biktima, iniwan niya ang kanyang anak malapit sa hagdan nang nasusunog na ang kanilang bahay upang iligtas ang dalawa pa nitong anak.

Ngunit sa kasawiang palad ay hindi na nakuha pang balikan ni Leonista ang biktima.

Samantala, dalawang residente naman ang isinugod sa ospital makaraang magtamo ng mga sunog sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog bandang alas-10:00 kagabi, at umabot sa ikalimang alarma na naapula lamang makalipas ang isang oras.

Hinihinalang naiwang nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply