Pastor niratrat sa harap ng 15-anyos anak

PATAY agad ang isang pastor nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Commonwealth, Payatas, Quezon City kanina.

Kinilala ang biktima na si Wilfred Germidia.

Sa imbestigasyon, sakay din ng motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang 15-anyos anak na si Joan nang harangin sila ng hindi nakilalang mga suspek saka pinagbabaril ang biktima.

Ayon kay Joan, sinabihan pa niya siya ng mga suspek na wag gagalaw bago sunod-sunod na pinaputukan ang kanyang ama.

Hinala naman ng pulisya na perosnal na galit ang motibo sa krimen nang hindi kunin ng mga suspek ang kita sa pagbebenta ng dyaryo ng mag-ama at basta na lang silang iniwan matapos ang krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply