Patay ka sa heat stroke

MAG-INGAT ang lahat ng mga may sakit sa puso ngayon.

Mag-ingat din sa heat stroke.

Hindi biro-biro ang dating ng mainit na panahon.

Mamamatay ka sa init ng panahon ngayon kung hindi

ka magiging maingat.

oOo

May nagbalita sa atin na dumarami ang mga nagiging biktima ng sobrang init ng panahon.

Isa sa kanila ang nakaburol pa sa isang barangay sa Sta. Maria, Bulacan.

Binata at 19 anyos ito na natamaan ng heat stroke sa isang  terminal  ng  bus  sa Maynila.

Nag-aantay siya ng masa-sakyan papuntang lalawigan nang bigla na lang itong mahilo.

Itinakbo siya ng mga istambay sa isang ospital ngunit ded on araybal siya roon.

Ganyang kabagsik, Suki, ang init ng panahon.

oOo

Isa namang senyor sitisen ang nakaburo din.

Dahil pa rin sa init ng panahon, Suki.

Malamig ang kuwarto ng biktima dahil nasa grawnd plor siya sa dalawang palapag nilang bahay.

Pero pinapasok pa rin ng init ang kuwarto.

Nayari ang ale sa init ng panahon dahil hindi nakayanan ng bentilador na labanan ang init.

May sakit siya sa puso at terd atak na ang dinaramdam niya.

‘Di umubra ang kumpletong gamot sa atake sa puso sa atake ng heat stroke.

Dahil sa mga karanasang ito, mag-ingat ang lahat sa init ng panahon.

Ang sabi ng Department of Health, kung dati-rati, eh, otso baso lang ang ating iinumin araw-araw, ngayon ay dapat trese na.

Para lumamig, Suki, ang ating mga katawan at kahit papaano ay malalabanan natin ang nakamamatay na init ng panahon.

oOo

Kondolens kay Lydia Bueno na editor natin dito sa atin sa pagpanaw ng kanyang ina dahil sa init ng panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply