‘Patong’ sa ulo vs Joel Reyes ikakasa na

ANO MANG araw ngayong linggo ay dedesisyunan na ang planong pagpapalabas ng pabuya para sa ikadarakip ng nagtatagong si dating Palawan Governor Joel Reyes.

Si Reyes ay isa sa mga akusado sa pagpatay sa brodkaster at environmentalist na si Doc Gerry Ortega.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, magpupulong sila ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo kaugnay ng nasabing usapin dahil ang DILG ang nangangasiwa sa reward system.

Sinabi pa ni de Lima na kumikilos na ang National Bureau of Investigation para matukoy ang kinaroroonan ni Reyes na dati niyang kliyente.

Una nang nagbabala si de Lima sa mga posibleng nagkakanlong kay Reyes na maaari silang masampahan ng reklamong kriminal partikular na ng kasong harboring a fugitive at obstruction of justice.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply