PBB Teen Edition season 4 nagsimula na

ISANG linggo pa lamang ang nakalilipas nang matapos at magpahinga ang Pinoy Big Brother season 4 ay muling nagbukas ang pinakasikat na bahay sa bansa noong Linggo ng gabi (April 8) para sa season 4 ng PBB Teen Edition.

Kagabi, siyam ang pinapasok sa loob ng bahay ni Big Brother na kinabibilangan ng pitong lalaki at dalawang babae.

Ang pitong lalaking nakapasok ay sina Alec, ang “Tsinito Gwapito ng Laguna,” Kit ang “Kid Tangkad ng Pampanga,” Roy ang “Boy Sipag ng Naga,” Ryan, ang “Pilyong Binatilyo ng Angeles,” Tom ang “Bukid Prince ng Davao,” Yves ang “Masunuring Son ng Tarlac” at Vince ang “Bunsoy Tisoy ng Rizal”

Ang dalawang babae naman ay ang kambal na sina Joj and Jai na tinaguriang “Double Biba ng Bacolod.

Nabatid na 12 ang Teen Housemates na papapasukin ni Kuya sa kanyang bahay na maglalaban-laban sa mga pagsubok tungo sa papremyo at titulong season 4 Teen Big Winner.

Pinangunahan nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo at ang nagbabalik-host ng PBB na si John Prats (dating Celebrity Housemate) ang pormal na pagbubukas ng PBB Teen Edition season 4.

Abangan kung sinu-sino pa ang kukumpleto sa Teen Housemates ni Big Brother.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply