PCG nakaalerto sa NoKor rocket launch

NAKAALERTO ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa nakatakdang rocket launch ng North Korea sa pagitan ng Abril 12 hanggang 16.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Lcdr. Algier Ricafrente, bawal mangisda sa loob ng nasabing mga araw ang lahat ng mga mangingisda na pumapalaot sa Sta. Ana Baggao, Gonzaga at Gattaran, Cagayan na pinangangambahan na mabagsakan ng mga debris sa pakakawalang rocket.

Ang mga mangingisda sa Silangan at Hilagang Luzon binigyan naman layong 15 metro sa baybaying dagat upang sila ay makapangisda.

Sinabi ni Ricafrente na masusi na ngayong mino-monitor ng PCG ang mga karagatan ng Pilipinas na posibleng daanan at mabagsakan ng pakakawalang rocket ng NoKor.

Inabisuhan na rin ng ahensya ang mga barko na dumaraan sa karagatang sakop ng Pilipinas na mag-ingat at maging mapagmatyag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply