PCG: Kolorum na barko iwasan

KASABAY ng pagdagsa ngayon ng mga pasahero sa mga pantalan ay muling nagpaalala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na umiwas at huwag sumakay sa mga barkong kolorum.

Ayon kay PCG spokesman Lt. Commander Algier Ricafrente, maraming mga operator at  may-ari ng mga sasakyang pandagat ang nananamantala tuwing panahon ng bakasyon.

Upang makaiwas sa anumang aberya ay mabuti aniyang huwag sumakay sa hindi rehistradong sasakyang pandagat.

Aniya, ito ay dahil walang maiaalok na tulong sakaling magkaroon ng aksidente sa gitna ng kagaratan.

Ayon pa sa PCG, hindi rin kumpleto ang kanilang mga kagamitan lalo na ang kanilang life saving devices.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply