PCOS machine ayusin muna bago bilhin- Koko

UMAPELA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel sa Commission on Elections (Comelec) na ayusin muna ang mga kapalpakan ng PCOS machine na ginamit noong nakalipas na halalan.

Ang kahilingang ito ay dahil sa hindi na mapipigilan ang Comelec na bilhin ang mga naturang makina ng Smartmatic.

Ayon kay Sen. Pimentel, III hindi dapat na magpadalos-dalos ang Comelec sa pagbili sa mga PCOS machine dahil sa kapalpakan nito noong 2010 elections.

Samantala, inihayag naman ni Senador Francis Escudero na dapat na magpaliwanag si Comelec Chairman Sixto Brillantes sa publiko dahil sa naging desisyon nito na bilhin ang PCOS machines.

Ayon kay Escudero, mahalagang malaman ng taumbayan kung ano ang naging basehan ng Comelec na bilhin ang mga makina samantalang nirentahan lamang ito noong nakaraang pampanguluhang halalan.

Nauna nang sinabi ni Brillantes na walang problema ang makina, kundi ang taong nag-o-operate ang minsan ay pumapalpak kung kaya’t nagkakaroon ng problema sa bilangan.

Nagpahayag na rin ang ilang grupo na nais nilang magsampa ng petisyon sa Korte Suprema na naglalayong pigilin ang pagbili ng Comelec sa mga naturang makina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply