Peace for 7 games

BINIGYAN ng seven-game suspension si Los Angeles small forward Metta World Peace matapos sikuhin sa ulo si James Harden ng Oklahoma City.

Naganap ang insidente noong Lunes ng magharap ang Lakers at Thunder sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season at dahil sa ipinataw na ay hanggang sa first round ng playoff hindi makapaglalaro si World Peace.

Ayon sa kakamping si Ron Artest, isang aksidente ang nangyari habang tikom naman ang bibig ni Kobe Bryant at ibang teammates nito.

”It’s hard to get into a guy’s head and know exactly what happened in that situation,” sabi ni Bryant. ”I haven’t really spoken to him about it. You’ve really got to ask him.”

Hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot ni World Peace ang mga katanungan sa kanya ng mga Media.

”I apologize to the Oklahoma City Thunder fans and the OKC organization,” sulat ni World Peace sa ronartest.com. ”I look foward (sic) to getting back on the floor with my teammates and competing for the Lakers fans.”

Magbabayad si World Peace ng $348,000 na ibabawas sa kanyang suweldo at kung sakaling malalaglag agad sila sa first round ay ipagpapatuloy sa susunod na season ang kanyang parusa.

Malaking panghihinayang naman para kay star player Bryant dahil malaking bagay si World Peace sa kanilang koponan.

”He was playing extremely well,” Bryant. ”It happened. When he comes back, he’s going to be playing the same way he was playing before he left, if not better.

He’ll have time off. He’ll have a chance to get in even better shape. He might be better when he comes back.”

Mag-uumpisa ang playoff sa darating na Linggo kung saan ay kumpleto na ang last eight sa Eastern Conference habang nag-aagawan pa sa No. 8 slot ang Phoenix Suns at Utah Jazz.

Ang mga nakapasok sa EC ay Chicago Bulls, Miami Heat, Indiana Pacers, Boston Celtics, Atlanta Hawks, Orlando Magic, New York Knicks at Philadelphia 76ers.

Sa WC, San Antonio Spurs, Thunder, Lakers, Los Angeles Clippers, Memphis Grizzlies, Den Ver Nuggets at defending champion Dallas Mavericks.

Samantala, pinaluhod ng Thunder ang Sacramento Kings, 118-110 habang naupos ang Heat sa Celtics, 66-78.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply