Pekeng Pantawid Pasada at walang 13th month pay

BIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa tambak na text messages at mga nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar.

Ngunit tulad ng dati, hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

Hi, Ma’m Lily, good pm po. Isa po akong security guard dito sa MetroBank. Ma’m, ireklamo lang namin itong agency namin na Night Hawk Security Agency. Hindi po sila nagbibigay ng backpay na P12 at P22 at bukod pa po roon ay hindi pa rin naibibigay
ang 13th month pay namin hanggang ngayon.

Tulungan n’yo naman kami, Ma’m Lily, pakikalampag n’yo lang po ang agency, hirap na hirap na kami. Huwag n’yo na lang pong ilagay ang cellphone number ko dahil baka mapag-initan po ako. Maraming salamat po.

o0o

Isa po akong promodiser ng Walker. Reklamo ko lang po ang  hindi nila maayos na pagpapasahod. Hindi po nila alam na nagugutom ako dahil sa lintik na pagpapasahod nila.

o0o

Gud pm, Ma’m Lily. Puwede po bang matulungan n’yo kami sa  problema namin? Kasi di pa namin nakukuha yung pantawid pasada namin. Yung una ay P1,050 at ngayon ay P1,200. Ni isa po ay wala pa kaming nakukuha. Ewan ko sa Department of Energy (DOE) kung saan na nila inilagay ang perang para sa amin na driver. Si Jun Bautista po ito ng Dagupan City.

Doon po sa mga nag-email at nag-text sa inyong lingkod ng kanilang mga reaction kaugnay sa ating  topic noong nakalipas na Martes ay humihingi po ako ng paumanhin na hindi natin mailathala dahil sa karamihan po ng reaction ay puro personal at emotional na galit sa SM Management.

Makaaasa po kayo na ating ilalathala rito kung anomang panig mayroon ang SM Management. Sa ngayon ay hinihintay  pa rin ng Lily’s Files ang kasagutan ng SM Management sa reklamo ng mga sikyu ng  Puritan Industrial Security Agency na umano’y hindi nakakukuha ng collection sa higanteng kompanya na tulad ng SM.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 o kaya ay mag email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply