Pekeng pasyon

MARAMI tayong naraanan sa ating paglalakbay nitong Mahal na Araw.

Naging kapuna-puna ang paggamit ng naka-CD o naka-tape na pasyon. Sa Metro Manila natin napansin ito, Suki.

Sa mga naraanan nating lugar na ganito, kahit walang tao, basta’t parang may kaunting bubong na para sana sa mga magpapasyon, oki na ang lahat.

Dahil tuloy-tuloy ang pasyon sa CD o tape, madali lang na natatapos ito. Yung magdamag at maghapon na may tao talagang nagpapasyon ay nagagawa ng CD at tape na paigsiin sa tatlong oras.

Sabi ng nagpapasyon, walang gastos kundi kuryente. Naiwasan ang pangingilak ng pondo o paggastos ng personal na salapi para sa pagkain, upa sa upuan, sound system at iba pa.

Pero ang talagang katwiran, napakahirap na ngayon ang mangilak ng kontribusyon mula sa mga kapitbahay dahil sa malaganap na kakapusan ng marami.

oOo

Dahil sa nagaganap, nawala ang dating buhay na buhay na pakikipagkapit-bahay sa Semana Santa.

Hinaluan pa ito ng masamang impresyon ang pasyon.

Sabi ng mga sanga-sanga ang dila, nakapagtatakang sobra-sobra ngayon ang may gusto ng libre.

Basta libre, gaya ng pagkain at maiinom na alak, yun ang pinuputakte sa iyong pagdaraos ng pasyon. Kung wala ka nito, magpasyon ka nang sarili mo.

Talaga namang napakalungkot ang nangyayaring ganito.

oOo

Kakaunti na rin ang napansin nating sumasali sa mga prusisyon, misa at senakulo.

Sa isang siete palabras, ganundin ang ating nasaksihan at kung Ingles ang gagamitin mo sa pagsasalita, marami ang lumalabas at nagyoyosi o nagtsitsismisan na lamang.

Ang mga kabataan?

Mas gusto pa nila ang kompyuter at magligawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply