Penitensiya ‘di na uso

MANGILAN-NGILAN na lang na lugar sa bansa ang kinakikitaan ng maramihang pagpepenitensiya tuwing Mahal na Araw.

Ibang klase naman ang pagpapapako sa krus gaya ng ginagawa sa Pampanga.

Re-enactment o muling pagbabalik-tanaw sa tunay na nangyari noong panahon ni Kristo ang mga pagpepenitensiya at pagpapako sa krus.

oOo

Sa ating pagtatanong-tanong sa paligid, mismong ang kampanya ng Simbahang Katoliko laban sa mga aktibidad na ito ang pangunahing dahilan ng malaking kabawasan dito.

Sinasabi ng mga kaparian na sa halip na pahirapan ang mga sarili sa pamamagitan ng paghaplit sa sarili hanggang sa magdugo ito, magsimba na lang ang nag-iisip na magpenitensiya o magpapapako sa krus.

Oo nga naman.

Sa mga bulsa pa ng mga doktor mauubos ang iyong pera kaysa sa bulsa ng mga pari.

Ehe-ehe-ehek!

oOo

Tama talaga ang mga pari at madre na daanin na lang sa pagsisimba ang penitensiya at pagpapako sa krus.

Lalo na kung paghuhugas lang naman ng kasalanan ang layunin dito.

Dahil kung makaraan ng penitensiya at pagpapako ay balik tayo sa kalokohan, walang ngang silbi yan.

Kapag nasa simbahan ka nga naman, maaaring magkaroon ka ng napakatahimik na pakikipanayam sa iyong Diyos.

At maaaring magkaroon ka ng taimtim na pagbabago paglabas mo roon.

Yan ay kung may intensyon kang magkaroon ng pagbabago.

oOo

Sa simbahan din matatagpuan ang grupong nagdarasal.

Ang pagdarasal kasi ay hindi lang pang-isang tao.

Maraming nagaganap sa bansa ang nangangailangan ng maramihang pagdarasal at marami ang naniniwala na nakikinig ang Diyos sa panalangin ng isang bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply