Perimenopause

Gaano katagal ang perimenopause?

Ang katamtaman na itinatagal ng perimenopause ay apat na taon, pero para sa ibang babae ang stage na ito ay pwedeng magtagal ng ilang buwan lang o hanggang sampung taon. Nagtatapos ang perimenopause pagkatapos ng unang taon ng menopause (kung kelan hindi na datnan ang babae ng labing-dalawang buwan).

Anu-ano ang mga palatandaan ng perimenopause?

Malalaman ng babae na tumatransisyon na siya patungo sa menopause kung magsimula nang maranasan ang sumusunod na sintomas:

•Hot flashes
•Breast tenderness
•Paglala ng premenstrual syndrome
•Kawalan ng gana sa kama
•Pagkapagod
•Iregular na regla
•Pagkatuyo ng vagina; nasasaktan tuwing makikipagtalik
•Pagtulo ng ihi tuwing uubo o babahing
•Balisawsaw
•Pabago-bago ng panagano
•Hirap matulog

Paano malalaman kung ang pagbabagago sa regla ay normal perimenopausal symptoms o bagay na dapat ikabahala?

Ang irregular na regla ay madalas at normal lang sa perimenopause. Pero, ang ibang kondisyon ay maaring magdulot ng abnormalities sa menstrual bleeding. Kung ang sumusunod na sitwasyon ay nararasan mo, komunsulta sa doktor para malaman ang sanhi.

•Malakas ang regla at may kaakibat na blood clots.
•Mas matagal ng ilang araw ang iyong regla kesa sa nakasanayan.
•May spotting na nagaganap sa pagitan ng iyong regla.
•May spotting pagkatapos ng pagtatalik.
•Mas napapadalas at napapalapit ang pagitan ng regla.

Ang mga pwedeng maging sanhi ng abnormal na pagdurugo ay hormonal imbalances, birth control pills, pagbubuntis, fibroids, blood clotting problems o minsan ngunit bihira at cancer.

Paano ma-diagnose ang perimenopause?

Madalas ay makakagawa na ng diagnosis ang doktor ng perimenopause base sa iyong mga sintomas. Ang pagsusuri sa dugo para makita ang lebel ng mga hormones ay nakakatulong ngunit mahirap ito suriin dulot ng erratic fluctuations ng hormones sa mga panahong ito. Mas makakatulong kung maraming pagsusuri ang gawin para may mapaghambingan.

Mabubuntis ba kapag nasa perimenopausal stage?

Oo. Sa kabila ng pagbaba ng fertility sa perimenopausal stage, maaari ka pa ring mabuntis. Kung hindi mo gusto mabuntis, ipagpatuloy ang pag-inom ng birth control pills hanggang umabot sa menopause. Para sa ibang mga kababaihan, ang pagbubuntis ay mahirap pagdating ng edad late 30s hanggang early 40s dulot ng pagbaba ng fertility. Pero kung ang layunin ay mabuntis, may mga fertility-enhancing treatments at techniques na makatutulong sayo na magbuntis.

May mga treatment ba na makakapag-reduce ng sintomas na kaakibat ng perimenopause?

Maraming kababaihan ang nakakaranas ng hot flashes pagkatapos uminom ng low-dose birth control pills sa loob ng makling panahon. Ang ilang paraan para ma-control ang hot flashes ay, birth control skin patch, vaginal ring, at progesterone injections. Pero, may mga babae na hindi dapat gumamit ng mga birth control hormones, kaya makipag-usap muna sa iyong doktor kung naaayon ba ito sayo. May mga gawain din na makapagpapagaan ng pakiramdam mo na mag-e-enhance ng iyong well-being, tulad ng:

•Ehersisyo.
•Tumigil sa paninigarilyo kung naninigarilyo.
•Matulog ng mas mahaba at ugaliing matulog at magising sa takdang oras.
•Bawasan ang pag-inom ng alak.
•Tumimbang ng tama at panatiliin ito.
•Uminom ng multivitamin supplement, Vino De Corazon at calcium.
•Uminom ng higit sa walong baso ng tubig araw-araw.

Kausapin ang iyong doktor kung may nararanasang problema sa iyong libido. Siya ay pwede makapag-rekomenda ng counselor o therapist na tutulong sa iyo at iyong partner na malagpasan ang isyung ito. Maaaring rekomendahan ng vaginal lubricants kung vaginal dryness ang problema.

May mga karagdagang treatments na makakatulong sa iba’t ibang sintomas ng perimenopause at pwedeng isa rito ang antidepressant medication para sa mood swings.

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa iyong mga sintomas at layunin mo sa paggamot nito.

Makatutulong ito para makabuo ng plano na bagay sa iyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply