Philippine Navy Fleet ipinagmalaki ang makabagong barko

IPINAGMALAKI ng Philippine Navy Fleet ang pinakabagong gawang-Pinoy na barko na kayang dumaong mismo sa dalampasigan.

Ito ay  kaugnay ng pagpapalakas sa seguridad ng bansa ng administrasyong Aquino at bahagi ng ika-74 anibersaryo ng Philippine Navy Fleet ngayong Abril.

Ayon kay Fleet Commander Gilbert Pacio, ang BRP Tagbanua (296), na may habang 51.43 metro at kayang maglulan ng 200 pasahero at 110 toneladang cargo sa 250 metro kuwadradong espasyo nito, ang pinakamalaki at pinakabago sa mga “multi-role” na sasakyan ng hukbong dagat ng bansa.

Isa ring magandang feature ng Tagbanua ang pagkakaroon nito ng “bow ramp” o pintuan at rampa sa nguso ng barko na lalong nagpapadali sa pagsasakay at pagbababa ng mga kagamitan at pasahero sa naturang sasakyang pandagat na kahalintulad ng RoRo (roll on roll off) na barko.

Samantala, hindi naman binanggti ni Pacio kung may kakayahan ito para sumagupa sa nagaganap na iringan ngayon sa panig ng China at ng Philippine Navy sa Panatag shore.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply