PHL ikatlo sa listahan ng pinakamaraming pinatay na mamamahayag sa mundo

NASA ikatlong puwesto pa rin ang Pilipinas sa pinakamaraming kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag sa mundo.

Batay sa 2012 Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ) sa New York City, ang korap at hindi epektibong criminal justice system sa bansa ang pangunahing dahilan kaya wala pa ring hustisya ang 55 kaso nang pagpatay sa mga mamamahayag sa nakalipas na dekada.

Higit na tinututukan ng CPJ sa kanilang report ang Maguindanao Massacre Case na halos 30 mamamahayag ang walang awang pinatay, gayundin ang kaso ng pamamaslang sa broadcaster-environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Nanguna sa naturang listahan ang Iraq na mayroong 93 kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag, ikalawa ang Somalia at nasa ikaapat na puwesto ang Sri Lanka.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply