Pilipinas ‘crewing capital na ng mundo

MAIPAGMAMALAKI sa buong mundo ang kasipagan at kahusayan ng mga tripulanteng Pilipino kaya naman maituturing na ang Pilipinas bilang ‘crewing capital’ ng mundo, ayon kay Vice President Jejomar Binay.

Sa isang kalatas, sinabi ni Binay na umaabot sa 30 porsiyento ng 1.25 milyong manggagawa sa barko ay mga Pilipino kaya naman malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa ang perang ipinadadala ng mga marino sa kanilang mga pamilya.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa US$3.8 billion ang naipadalang pera ng mga tripulante sa Pilipinas noong isang taon at inaasahang tataas pa ngayong taon, dahil na rin sa matinding pangangailangan ng mga marino sa pandaigdigang merkado.

Ayon pa kay Binay, maakaaasa ang mga tripulante na ipagtatanggol ng pamahalaan ang kanilang karapatan at kagalingan.

“Bilang Presidential Adviser for Overseas Filipino Workers’ Concerns, tinitiyak ko po sa inyo na ang administrasyon ni Pangulong Aquino ay hindi nakararamdam ng pagod pagdating sa kapakanan ng ating mga tripolante,” pahayag pa ni Binay sa ginanap na pagpapasinaya ng JSU-AMOSUP Maritime Museum and Sports Complex sa Malate, Manila kaninang umaga.

Ibinalita rin nito ang iba’t ibang programa ng pamahalaan na tumutulong sa mga pamilya ng marino, tulad ng value formation, entrepreneurship development training program, at ang OFW family circle program.

“Batid din po natin na ang sahod ng isang tripolante ay katas ng matinding pagod at paghihirap. Kaya naman upang tulungan silang mapalago ang kanilang inipon, nariyan ang ating Entrepreneurship Development Training program,” dagdag pa ni Binay.

Aniya, tinuturuan ang mga pamilya ng mga marino kung papaano magtayo at magpatakbo ng isang negosyo kasama na ang pagbalangkas ng maayos na business plan upang mapaunlad ang binabalak na negosyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply