Pinagmukha kasing tanga!: Heart Evangelista turn-off sa papang si Daniel Matsunaga

ANG sabi, isa raw sa mga rason ng hiwalayang Heart Evangelista at Daniel Matsunaga ay hindi raw boto ang parents ni Heart dito kay Daniel. Like Jericho Rosales na hate noon ng mga magulang ng aktres, kaysa sa magkaproblema pa hayun nag-babu na ang aktres sa kanyang Papa Daniel. Pero say pa ng ating informant, mas may malalim pa na dahilan ang split-up ng dalawa.

Ito raw ay masyadong nasaktan si Heart nang biglang umalis ng bansa si Daniel patungong Italy para magpagamot. Biglaang desisyon raw ‘yun na sa ibang tao pa nalaman ni Heart. At dahil feeling niya ay pinagmukha siyang tanga ng kanyang labs bago pa ito bumalik ng Pinas ay nakipag-break na siya rito. And how true? Nalaman rin daw ni Heart na nakipagkita si Daniel sa ex nitong Italyana sa Brazil. If ever na true ito, sino naman kaya ang taong nag-traydor sa Brapanese actor para makarating ang chikang ito kay Heart?

Hindi lang ‘yan, may isang gay businessman rin daw na lihim na kinakatagpo si Daniel. Baka ito ay may katotohanan pa lalo’t talagang marami ang nagpapantasya o nagtitilam-tilam sa nasabing Brapanese hunk model/actor. What you think gyud!

o0o

Showbiz career ni Bela Padilla magtatagal

HINDI naman biglang sikat lang itong si Bela Padilla na alaga ni Ms Claire dela Fuente. Matagal ding nagtiyaga si Bela, as in napagdaanan nito ang lahat ng pagsubok para mapansin lang sa industriyang ito. At masuwerte ang aktres dahil mula sa pagiging starlet noon sa TV 5 ay nagawa siyang STAR ni Ms. Claire sa Kapuso Network.

Ngayon, maliban sa panghapong serye nitong Hiram Na Puso with Kris Bernal and Mark Herras, mapanonood rin si Bela sa Manny Many Prizes bilang isa sa mga co-host ni Cong. Manny Pacquiao kung saan bale semi-regular siya rito. So far, we heard na may bagong nilulutong project din ang GMA-7 for her. Kaya roon sa mga nagsasabing walang future si Bela sa showbiz at walang binatbat ang pamangking ito ni Robin Padilla kay Marianita Rivera, well, mukhang mas magtatagal pa nga siya kumpara sa nasabing aktres-aktresan na bilang na ang mga araw sa showbiz. Sa actingan na lang, lampaso niya ang negang actress at sariwa pa ito di bilasa tulad ng aktresa na may mga senyales na ng pagiging tanders.

Very true gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply